Ang kasulatang ito ay minsan lamang kaya lubus-lubusin nyo na ang pagbasa!!!
May isang katangi-tanging pulis, isa nating kapatid sa CORPS Movement Foundation, ang nagtiwala sa manunulat na ito upang magsiwalat na kanyang lihim….
Mga natatanging kaalaman at kahusayan para magningning ang iyong karera bilang pulis!
Sa pagtupad ng gabay na ito, nagkamit si PSUPT Eric Noble ng samu’t saring papuri bilang Hepe ng Santa Barbara Police Station kabilang na ang prestihiyosong Lingkod ng Bayan award ng Civil Service Commission at ang Ten Outstanding Policeman of the Philippines.
Ang mga kaalamang ito, na minsay “makabago at kwela”, ay magbibigay sa iyo ng karangalan hindi lang sa iyong sariling kapakanan, sa iyong pamilya, sa iyong kommunidad at sa bansa kundi karangalan din para sa Poong Maykapal.
Ito na!... Ang 7 alituntunin upang maging isang katangi-tanging pulis mula kay PS Eric Noble!
1. Makiisa sa iyong Simbahan- “Dapat ang simbahan at ang pulis nagtutulungan. Kung ang isang pastor ay nangangailangan ng kaluluwang ililigtas. Bigyan natin sya ng pagkakataon na tumambay sya sa detention cell ng presinto… Patanggapin yung mga nakakulong dun siguradong di sya ma-uubusan ng kaluluwa. Sila ang magiging tapat mong kaalyado sa lipunan at sila rin ang iyong “prayer warrior”….Naalala ko minsan muntik na akong ma-snipe buti na lang hindi tumama. Naniniwala ako may nagdasal para sa akin ”
2. Maki-uso sa teknolohiya! “Nung ako’y hepe pa ng Santa Barbara, Pangasinan alam kong mahihirapan ang mga magsumbong ng harap harap kaya pina-uso namin ang pagsusumbong sa mga krimen sa email, text at facebook…yan ang Social Network Leadership!”
3. Magbigay Galang sa Kinauukulan- “Kung isa kang hepe, malaking bagay ang supportahan ka ng iyong mayor at malaking bagay na makikisama ka sa kanyang proyekto mula sa malalkihang pistang bayan at kahit na sa maliliit na proyekto gaya na Oplan Libreng Gupit.”
4. Libreng pagkain!- “Para mapa-buti ang imahe ng pulis, sumali dapat sila sa mga aktibidad na may “appeal” sa masa. Ang pinaka-patok ay ang Feeding Program! Sino bang humindi sa libreng pagkain!”
5. Gawan ng Kabutihan ang Kapwa…Pulis! “Tayong mang unopirmado ang dapat unang tumulong sa kapwa natin unopirmado. Ang accomplishment ko sa Santa Barbara ay hindi lang ako ang nagtamasa kundi pati ang aking mga pulis. Sa katunayan isa sa aking pulis ang tumanggap ng Ten Outstanding Police Woman para sa nagawa ng istasyon.”
6. Mag-isip ng kakaiba! “Hindi na uso yung mga speaking engagement sa kommunidad, lalo na kapag drug-awareness, crime prevention etc. etc. Dapat magpa-uso ka ng kakakaiba. Minsan nagpresent kami ng isang skit sa tulong ng isang Pastor, kung saan may gumanap na demonyo at anghel na nag-away sa harap ng entablado…Nabigla silang lahat! Di ba memorable!”
7. Unahin ang Diyos- “Unahin mo ang kaharian ng langit at ang kanyang kabutihan at ang lahat ng ito’y ibabalik sa iyo.”
(Editor’s Note: PSUPT Eric Noble is bound for a repeat as he is now the Chief of Police of Meycauayan Bulacan)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento