“Sasama ba ako o hindi?” I asked myself that question when Pastor Vio invited me to join the team that will serve our police on Christmas Eve. Ang pag-iisip ko dati ay pagsinabing police o pulis ay ito ung mga taong nang-aabuso ng power, power hungry, laging galit, ang huling lalapitan dahil nga bakaikaw pa ang mapapagalitan kung nagsumbong ka (di approachable) at kung anu-ano pang negative tungkol sa kanila. Minsan nga po ang tawag namin sa kanila ay P.U.L.I.S. (Pambansang Unyon ng mga Laging Inaantok sa Silya) dahil lagi na lang daw nakikita sa desk nila o sa tagal daw ng pag respond (we even see it sa movies) kaya laging late ang pulis at kung may news man konti lang iyong magagandang nasasabi tungkol sa kanila.
Kahit sa maiksing panahon ng visit naming ay nakita ko ang challenges na hinaharap ng ating kapulisan. Ang isa doon ay ang kakulangan ng PNP personnel sa field, that is the ratio of police presence in proportion to the population in their respective area of assignment.
In all the stations, welcome po kami at sinabi pa nila na sana palaging may ganito na bumibisita at nagpapakita rin sa kanila ng concern pati na sa kanilang pamilya. Kahit na wala nga daw kaming dalang donuts, ang presence naming ay sapat na iyon sa kanila.
Marami rin ang nagpakita ng interest sa Gospel and were really thankful that we prayed for them including even their respective families. Tapos sabi pa nga ng iba ay sana madagdagan ang seminars, lectures, etc. about sa gospel. Nagulat ako at natuwa nang magsabi ang iba sa kanila naka-attend na pala sila ng Purpose Driven Life Seminars na ginawa ng team nina Pastor Vio.
Hindi naging mahirap na mapalapit ang loob sa kanila lalo na sa ganoong response na ipinakita nila. We can see that God has been preparing the harvest. Ang kailangan na lang ay more workers, workers for JESUS.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento